Pag-mamarites” Bilang Penomenong Pangwika: Isang Kwalitatibong Pagsisiyasat sa Impormal na Diskurso Ng Mga Magulang sa Paaaralan

November 2026
Vol-12, Issue-6
Paper ID: 29058
ISSN: 2395-4396
Downloads: 5
Download PDF

Abstract & Details

Research Area
Language
Keywords
pagmamarites impormal na diskurso penomenong pangwika wikang Bikol digital na komunikasyon
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay nagsiyasat sa “pagmamarites” bilang penomenong pangwika sa impormal na diskurso ng mga magulang sa paaralan. Tinutukan nito ang mga anyong pangwika at estratehiya sa komunikasyon, ang kahulugang panlipunan at pangkultura ng ganitong diskurso, ang pagkakaiba ng harapang pakikipag-usap at digital na komunikasyon, at ang pagbuo ng konseptuwal na pagpapaliwanag sa “Marites” bilang penomenong pangwika. Gumamit ang pananaliksik ng deskriptib-kuwalitatibong disenyo na nakatuon sa sosyolingguwistika at pagsusuri ng diskurso. Pinili sa pamamagitan ng purposive sampling ang mga magulang o legal guardian na may aktuwal na karanasan sa impormal na pakikipagtalastasan sa kapwa magulang sa konteksto ng paaralan. Isinagawa ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng semi-structured interview at obserbasyon. Ginamit ang gabay sa pakikipanayam at audio recorder, gayundin ang panulat at kamera para sa pagtatala ng obserbasyon. Sinuri ang mga nakalap na datos sa pamamagitan ng thematic analysis at discourse analysis, habang tiniyak ang informed consent, pagiging kumpidensyal, at hindi paglalantad ng sensitibong impormasyon. Natuklasan na wikang Bikol o sariling wika ang pangunahing ginagamit ng mga magulang sapagkat nagbibigay ito ng ginhawa at kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at karanasan. Kabilang sa karaniwang paksa ng kanilang kuwentuhan ang kapakanan, kaligtasan, akademikong kalagayan at pag-uugali ng mga anak; kalinisan, kaayusan at pagpapaganda ng paaralan; at mga pangyayari sa paligid at buhay ng ibang tao. Lumitaw din na mas pinapaboran ang harapang komunikasyon dahil mas malinaw at madaling maunawaan ang mensahe kaysa sa digital na pakikipag-ugnayan. May positibo at negatibong tungkulin ang pagmamarites: nakatutulong ito sa pagpapalitan ng impormasyon, pagbibigay ng paalala at payo, pakikipagkapwa, at pagpapatibay ng samahan; subalit maaari rin itong magpalaganap ng maling impormasyon, magdulot ng hindi pagkakaunawaan, makasira sa reputasyon, at magpahina sa tiwala. Ipinahihiwatig ng mga resulta na nakasalalay ang epekto ng pagmamarites sa layunin, katumpakan, nilalaman at paraan ng pagbabahagi ng impormasyon. Samakatuwid, mahalagang pairalin ang pagiging mapanuri, responsable at magalang sa impormal na komunikasyon upang mapangalagaan ang pagkakaisa sa komunidad ng paaralan.

Author Information

# Name Institute / Affiliation
1 Marivic G. Rosario Sorsogon State University
2 Christine Forteo Bucio Sorsogon State University

How to Cite

Use the following formats to cite this article in your research.

APA Style
Rosario, Marivic G. & Bucio, Christine Forteo (2026). Pag-mamarites” Bilang Penomenong Pangwika: Isang Kwalitatibong Pagsisiyasat sa Impormal na Diskurso Ng Mga Magulang sa Paaaralan. International Journal of Advance Research and Innovative Ideas In Education, 12(6), 252-263.
MLA Style
Rosario, Marivic G., and Christine Forteo Bucio. "Pag-mamarites” Bilang Penomenong Pangwika: Isang Kwalitatibong Pagsisiyasat sa Impormal na Diskurso Ng Mga Magulang sa Paaaralan." International Journal of Advance Research and Innovative Ideas In Education, vol. 12, no. 6, 2026, pp. 252-263.
IEEE Style
Marivic G. Rosario and Christine Forteo Bucio, "Pag-mamarites” Bilang Penomenong Pangwika: Isang Kwalitatibong Pagsisiyasat sa Impormal na Diskurso Ng Mga Magulang sa Paaaralan," International Journal of Advance Research and Innovative Ideas In Education, vol. 12, no. 6, pp. 252-263, 2026.
Vancouver Style
Rosario Marivic G., Bucio Christine Forteo. Pag-mamarites” Bilang Penomenong Pangwika: Isang Kwalitatibong Pagsisiyasat sa Impormal na Diskurso Ng Mga Magulang sa Paaaralan. International Journal of Advance Research and Innovative Ideas In Education. 2026;12(6):252-263.
Harvard Style
Rosario, Marivic G. & Bucio, Christine Forteo (2026) 'Pag-mamarites” Bilang Penomenong Pangwika: Isang Kwalitatibong Pagsisiyasat sa Impormal na Diskurso Ng Mga Magulang sa Paaaralan', International Journal of Advance Research and Innovative Ideas In Education, 12(6), pp. 252-263.
Chicago Style
Rosario, Marivic G. and Christine Forteo Bucio. "Pag-mamarites” Bilang Penomenong Pangwika: Isang Kwalitatibong Pagsisiyasat sa Impormal na Diskurso Ng Mga Magulang sa Paaaralan." International Journal of Advance Research and Innovative Ideas In Education 12, no. 6 (2026): 252-263.
Turabian Style
Rosario, Marivic G. and Christine Forteo Bucio. "Pag-mamarites” Bilang Penomenong Pangwika: Isang Kwalitatibong Pagsisiyasat sa Impormal na Diskurso Ng Mga Magulang sa Paaaralan." International Journal of Advance Research and Innovative Ideas In Education 12, no. 6 (2026): 252-263.

Export Citation

Related Research

Residual and Emergent Cultures in the Fiction of Jagdish Prasad Singh
Manisha Kumari et al. 2025 English Studues and Humanities
Download PDF